Friday, October 8, 2010

Felix catus, the House Cat Family



"Ako'y may alaga, pusang mataba..." sabi nga ng isang nursery rhyme. But in my case, ako'y di lang may alagang pusang mataba, kundi apat na pusang mataba. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa pusa. I would say I'm more a dog lover. Ang aso kasi matapat. Kahit paluin mo, they will just wag their tail in submission. Ikaw pa ang aamuin. Sa pusa, well, lalapitan ka lang pag may kailangan. Lalayasan ka isang araw at pag balik, buntis na.



Kaso isang araw, may isang pusang nagawi sa bahay namin. Buntis ang lola niyo. At dahil kami'y likas na may soft spot sa mga hayop, we let her in. Sa isang sabsaban, este, kahon sa may tindahan namin siya nanganak. At yung mga anak niya, ayun ang naging mga pusa namin. Dahil sa likas na lambing at kakatwang mga katangian ng mga pusakal na ito, ayun, I eventually fell in love na rin to cats. Nakadagdag pa ang kakapanuod ko ng Animal Planet kung saan laging bida ang, siyempre walang iba kundi ang mga big cats.


Tsaka kasi itong mga pusa namin, siguro dahil na rin sa amin sila lumaki at nagkaisip, ay, sa kakatwang dahilan, may mga katangian ng aso - at least sa departamento ng katapatan. Halimbawa, tuwing bibili ng pandesal ang tatay ko tuwing umaga, ayun, sunod ang mga kuting sa kanya. At dahil takot na lapain ng mga labrador at mga askal malapit sa mismong bakery, hihintayin na lang nila si tatay sa ilalim ng isang nakaparadang sasakyan. Minsan, pag maloko si tatay, sa kabialng kanto siya dadaan. Siyempre, todo hintay pa rin ang mga muning. Makalipas ang isang oras, makokonsiyensiya si Papang at babalkan ang mga muning. Ayun, ilang kalmot sa paa niya ang kanyang matatamo.



Hay...ang pusa nga naman. OK na rin na may apat kaming pusa...and growing ha. At least, di na kailangan ni Nanay ng plastic na pusa sa tindahan na palaging nagwa wave para raw swerte. Siguro naman, mas swerte ang buhay na pusa di ba?

1 comment:

  1. i love this post. mas maganda pala pagfilipino ang posts mo teh, lumalabas ang sense of humur mo.

    ReplyDelete